
wala akong ginawa sa blog na ito kundi paglaruan ang mga nakalagay na codes sa template. pinag tri pan ko ang buong HTML's na kung saan ito ay nag bibigay "kulay" para gumanda (o pumangit) ang kalalabasan ng aking blog. mahirap gawin dahil zero-alam ako sa mga ganito. inuumaga ako sa kababasa ng mga java scripts, mga css na kung tawagin ay cascading style o mekaniks para madagdagan ang style ng spaces, fonts atbp. hilong hilo ako dahil hindi ko sya mabuo ng maganda. sa munti kong pag aaral, napunta ako sa pag upgrade ng 'haloscan' comment tagboard kung saan automatic na syang gagawin at sa isang click ko lang naka add na sya sa kung saan man nya gusto. ang problema, nag ka gulo gulo. nawala ang mga previous posts at hindi ko na sya ma retrieve. sayang!dibale, sa mga mag comment ulet, maraming salamat. sa mga nawalang comments, pasensya na bubu ako, and i gave up. hayaan na lang.
sa araw ng trabaho, ganun den ang ginagawa ko. minsan kinakalikot ko ang buong files namin at nag kakagulo ko syang inaayos habang nakapila ang mga sumasalubong sa aking mesa at tanungin ako na masyado ko daw pinapahirapan ang sarili ko kung saan namamahinga na ang mga files at ito'y hindi ko nilulubayan. mahirap sabihin sa kanila na trabaho kong halukayin ang mga files para hindi ako maging mukhang tamad.
ang hindi ko maintindihan ay kung kelan ka busy ay ganun den ka busy ang telepono sa kaka ring, sumasagot sa mga nawawalang guests na ang hanap ay restoran at hindi gamitin ang mata kung saan nakalagay ang "this way to the mall". gusto ko silang bigyan ng direksyon na tama kaso ang hirap mag english sa hindi nakaka intindi kundi... gamitin ko na lang ang action process para maintindihan ako. sabi nga action speaks louder than words kaya kahit nguso ko ginagamit ko na rin para ituro kung saan sila pupunta.
isang guests na ang kulay ng highlights nya ay blue-ish ang nag tanong kung meron akong libro ng
mapa ng hong kong dahil hindi nya den alam mag basa ng street sign, of course in chinese. buba sya at ako pa ang napag tanungan. sabi ko wala akong alam at pumunta na lang sa himpilan ng pulisya pag sya'y nawala. mawala ka ba naman sa hong kong sa liit ng lugar na to?
may dumating na hapon at bigla akong tinanong kung ilang taon na daw ako sa hong kong. magaling syang mag english kaya hindi na ako nag kombanwa at mag mukhang 'bakero'. takot akong sabihin na matagal na ako sa hong kong at baka ang susunod na tanong ay kung ilang taon na ako. manigas sya dahil hindi ko sasagutin. medyo malungkot sya sa tanong nya dahil for 5 years nyang na base dito sa hong kong ay kailangan na syang mag moved sa japan. dito nya na daw natikman ang sarap ng buhay, hindi kumplikado at very convenient sa lahat. ma mi miss nya daw ang mga matataas na building, mga subways na kung saan mas maganda pa nga sa japan pero dito daw ay walang ka pagod pagod magbiyahe... at maglakad lang ng ilang minuto ay nasa trabaho na sya. naisip ko, totoo nga dahil ang ganda ng sistema ng buhay dito sa hong kong. umalis na sya at sinabing... 3 more weeks.
may isang korean guest na matagal tagal na den sa hong kong ang lumabas at galit na galit na hinahanap ang kanyang nawawalang bag na amuy suka ay tinanong ako kung sino daw ang kumuha nun. bigla akong napa.. HA? at sabi ko nilagay ko sya sa safety cabinet ng lost and found dahil naiwan sa locker na nakakalat at maraming taong dumarating at baka mawala. ang sagot ng matapang na koreano ay "never ever touched it and leave it there, been doing it for many times and nothing has happened". aba malay ko, bakit hindi nya ba alam na marami ang mag nanakaw ngayon? its a public area at syempre bilang staff kailangan ang safety ng mga gamit nila. hindi nya ako pinakinggan at maya maya ay biglang lumabas at itanong kung nasaan ba daw ang kanyang susi? aba yan ang hindi ko na alam! sa katangahan nya, naiwan nya pala sa shower room at dun nya sinabi sa akin na, "i think you are right, its not safe to leave things around the area". buti naman.
maya maya may isang canadian ang lumapit at bigla akong tinanong kung ano daw ang masasabi ko sa newly re-elected BUSH. aba, iyan ang dahilan kaya ayokong magbasa ng current affairs at lalo na pag tungkol sa politics, americans o ano pa man. wala akong nasabi sa satsat nya sa di umanoy hindi sya sang ayon sa resulta ng voting system. sa isip ko, hindi nga ako bumoto kay GMA. utang na loob!
napadaan ako sa may business center dahilan sa kailangan pumunta ako doon para i-check ang pigeon hole ng department at baka may cheque, sulat, atbp. ito kse ang daily routines pag wala akong gagawin bago matapos ang shift. nakita ko na nag sasatsatan ang mga secretary ng business center at binigla ko sila na "huy, mag trabaho kayo"! sagot nung isa, "bakit ikaw palakad lakad diyan wala ka deng ginagawa ano?" aba ibinalik pa ang tanong sa akin. sinabe ko na ang mga taong nag hahanap ng lugar ay imbes sa kanila pumunta at magtanong ay sa akin napupunta, hindi ba nila alam dagdag sa trabaho yun? sana hindi na lang ako dumaan doon at baka nilastiko ko mga pag mumukha nila. sus!
sa kaunting oras na walang nanggugulo sa mesa ko, ay tinawag ko ang aking lolang atendant at sabi ko ay nakakagutom. sabi nya kung ano ba daw ang maitutulong nya. sabi ko masarap sa mcDo. binigyan nya ako ng $10 at dinagdagan ko sya ng $6. bale sabi ko tamang tama, bumili ka sa
mcDo ng fish nigglets. ang sarap neto talaga!
naubos ko ang 2 packs of nigglets at naging active ulet ako sa pag sagot ng telepono. ang sumagot ay isang indian at ang tanong kung meron daw sa amin ng condom na binebenta. anak ng..... hindi ako 7-11 para hanapan ng mga bagay na hindi ko nga ginagamit. utang na loob!
bago ako makatapos ng shift ko isang american guest ang biglang dumating at sumigaw ba naman na "you still work here"? huy, sino ang may sabing aalis na ako dito? at kilala nya pa den ang aking pangalan kahit natatakpan ng jacket ang aking name plate ay sinabe pa nya na.... "nice to see you back, now do you still remember me"? please lang.... hindi ako disket na naka stored lahat ng pangalan sa system ng utak ko. di ako nag pahalata at sinabi ko na. "hello Mr Mosley" kunyari at sagot sa akin it's Mr Mosler. OMG, sayang muntik na akong tumama.
sa pag lock ko ng main door para umuwi, may isang chinese ang lumapit at tanungin ako ng "are you close yet"? hindi nya ba alam na ako'y nag sasarado na?
susmaryosep.
what my ipod is playing: let's get started by black eyed peas